maikling kwento tungkol sa kalikasan - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY Part 9



maikling kwento na may aral - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY Part 9

Noon ko lang nalaman, lagi ko palang pinapaiyak si Inday.

Sumagot si Inday. “Hindi po. Sa katunayan po, mula nang magbalik ako ay di na siya “pasaway”. Malinis na po lagi ang kuwarto ni Jeng-jeng, sumusunod na siya sa mga sinasabi ko, inililigpit na niya ang mga laruan at gamit niya, at kapag nag-uutos naman siya, lagi na siyang may “please” at “paki”.”

Laking gulat ni mommy sa narinig.

“Talaga! Ganun na si Jeng-jeng? E bakit ka umiiyak kung nagbago na pala ang anak ko sa pagtrato niya sa iyo?”

Muling sumagot si Inday.

“Kasi po, kanina, hinalikan niya ako sa pisngi at sinabing salamat daw sa pag-aalaga ko sa kanya, saka iniabot ang mga lumang damit at laruan niya para daw po sa anak ko. Nakakaiyak po diba? ”

Nakita kong nangiti ang mommy ko, at nakita ko rin sa mukha niya ang labis na kasiyahan .

Bigla, napansin ako ng mommy ko habang nasa likod ako ng pintuan.

“Aba Jeng-jeng, gising ka pa pala!” Agad niya akong tinawag at pinaupo sa tabi niya. “Ikaw ha, pinaiyak mo na naman si Inday.”

Nginitian ko si Inday bago ako sumagot.


“Gumanti lang po ako mommy, kasi di ba pinaiyak din niya ako nang dumalaw tayo sa bahay nila?”