Maikling Kwento - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY Part 5



Maikling kwento ng pag-ibig

Maikling Kwento - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY Part 5


At nakipaglaro na nga ako sa mga kapitbahay namin. Ang saya-saya ko!

Takbuhan kami nang takbuhan, lundagan nang lundagan.
Kaso, di nagtagal, isa-isa nang tinawag ang mga kalaro ko at naiwan na akong mag-isa.

Hinihintay ko na may tumawag din sa akin, pero naalala ko, wala ngapala si Inday kaya naisipan kong umuwi na lamang ng bahay.

Pagdating sa bahay, nagsimulang tumunog ang aking tiyan na tila kumukulo.

“Naku! Nagugutom na ako, anong kakainin ko?” ang tanong ko sa sarili.

Agad kong ininom ang natira kong gatas kanina na malamig na.

Kinain ko ang natira kong tinapay kanina na medyo matigas na.

Kaso, gutom pa rin ako, kaya binuksan ko ang “ref” namin at nakita ko ang natirang ulam at kanin na niluto ni Inday kahapon.

Bahala na! Gutom pa rin ako, kaya kinain ko na rin ang tirang kanin at gulay na niluto ni Inday.

“Bigla atang sumarap itong niluto ni Inday kahapon!“ ang nasabi ko habang kumakain.

“Hay salamat at nabusog din.” nasabi ko pagkatapos kumain.


Agad akong sumilip sa bintana upang tignan kung may mga bata na naglalaro, kaso wala akong nakita.