maikling kwento - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY WAKAS



  maikling kwento - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY WAKAS

Natawa ang mommy ko sa sinabi ko, pati na rin si Inday. Nakitawa na rin ako sa kanila. At sumunod niyon ay nagkuwentuhan pa kaming tatlo ng maraming magagandang bagay, bago ang masarap na pagtulog.

At ngayon nga, 12 taong gulang na ako, at kasama pa rin namin sa bahay si Inday, pati na rin ang anak niyang si Maya na kinupkop na nina mommy at daddy.

Si Inday pa rin ang nag-aalaga sa akin. Siya rin ang naghahatid-sundo sa akin sa eskuwela at palagi kong kasama saan man ako magpunta sapagkat siya na ang aking pinakamatalik na kaibigan.

Hay salamat at natapos ko nang isulat ang kuwento namin ni Inday! Isasali ko kasi ito sa “Patimpalak sa Pagsusulat” sa paaralan.

At sa tutuo lang, manalo man ako o matalo ay di na mahalaga. Ang alam ko, magiging masaya ako, sapagkat alam kong may makakabasa ng kuwento namin ni Inday. At alam ko rin na kung sino man ang makakabasa ng kuwento namin, sigurado ako na kahit paano ay may magandang aral na matututunan.


WAKAS