Maikling Kwento - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY Part 6



Maikling kwento tungkol sa pag ibig
Maikling Kwento - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY Part 6 

“Sigurado, pinatulog muna sila ng mga nanay at yaya nila.” ang naisip ko.
Nakita kong marumi na ang kusina, magulo ang bahay.

Biglang naalala ko si Inday.

Mahirap din pala kapag wala si Inday.

Walang taga-linis, walang taga-luto, walang taga-bili ng meryenda.

Mula sa kusina, narinig kong may nagbukas ng pinto at pumasok.

“Si Inday! Dumating na si Inday!” ang naisip ko.

Ngunit si Betchay at ang mommy niya pala ang dumating.

“Jeng-jeng, naku pasensya na, ngayon lang kami nakarating! Nag-aalala na nga ako sa’yo e! “ sabi ng mommy ni Betchay.

“Ay bakit ganyan ang ayos mo? Ang dumi-dumi mo at amoy-pawis ka! Kamukha mo na si Barbie ko na di pa naliligo!” sabi naman ni Betchay at tumawa nang tumawa ito nang makita ako.

Nalungkot ako sa narinig ko. “Bakit pinagtawanan ako ni Betchay?” Sabi pa niya, kamukha ko na raw si Barbie, e ‘yun ang alaga niyang tuta e! “

“Mahirap pala talaga kapag wala si Inday!” ang aking muling naisip.


“Walang nag-aalaga sa akin kapag nasa trabaho sina mommy at daddy.”