Maikling Kwento - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY Part 4



Maikling kwento tungkol sa kalikasan
Maikling Kwento - SI INDAY AT ANG BATANG PASAWAY Part 4 

“Sigurado ka Honey, okey lang maiwan si Jeng-jeng dito na walang kasama?” tanong ng daddy ko.

“Ibinilin ko siya sa mommy ni Betchay. Pupuntahan din daw siya agad dito.” sagot ng mommy ko.

“Jeng-jeng magbabait ka, ‘wag kang magkakalat ha? Dito ka lang muna sa kusina. Upo ka lang diyan, Intayin mo si Betchay at mommy niya, pupunta na sila rito.” sabi ng mommy ko.

Mukhang nawala lang si Inday, nataranta na si mommy. Nagmamadali sila ni daddy sa pagluluto ng almusal, tapos si mommy, mas madaldal pa pala kaysa kay Inday. Panay ang salita niya habang nagluluto at nag-aasikaso sa kusina. Ilang beses din niyang sinabing “magbabait ka”. Naitanong ko tuloy sa sarili ko, “Bakit? Salbahe ba ako?

Tapos, nagmamadali silang umalis, nakalimutan pa nila akong halikan sa pisngi. Haay naku! Bakit kaya nagkaganoon?

Pero di bale, ang naisip ko dapat akong magsaya kasi wala na ang pakialamerang si Inday! Tuwang-tuwa ako.

“Yeheey! Pwede na akong maglaro sa labas.”

“Di ko na kailangang ubusin ang gatas at tinapay.”

“Di ko na kailangang maligo muna at magsepilyo!”

“At wala nang istorbo habang naglalaro ako! Yeheey!”


Bigla kong naalala, sabi ni mommy na huwag daw muna akong lalabas, pero wala naman siya kaya naisip ko, walang magagalit kung maglalaro na ako!