Maikling Kwento - Ang Uusod-usod na si Uod Part 2



Maikling Kwento - Ang Uusod-usod na si Uod Part 2

maikling kwento na may aral
maikling kwento tagalog
maikling kwento pambata
maikling kwento tungkol sa kalikasan
maikling kwento ng pag-ibig
maikling kwento ng katatawanan
maikling kwento tungkol sa kaibigan
halimbawa ng maikling kwento

“Hoy, hindi ah! Pareho lang tayo ng kalagayan! Ikaw kasi, si Rosas, Gumamela, Sampaguita,at Rosal lang ang kilala mo na lagi ka namang itinataboy sa tuwing lalapitan mo. Tulad ka rin ng iba na hindi ako pinapansin dahil sa maliit akong halaman payat at di namumulaklak !”, may pagtatampong wika ni Alembong.

“Pero, “okey” lang sa akin ’yun. Gusto pa rin kitang maging kaibigan, dahil ikaw lang ang puwede kong kakampi, dahil tulad mo, mababang uri din ang tingin nila sa akin.”, ang patuloy na salita nito.

“O sige, mula ngayon ay magkaibigan na tayo! ,ang sabi ni Uod nang marinig ang tinuran ni Alembong.

“Ay naku! Ang saya-saya ko! May kaibigan na ako Yeheey!” ,ang tuwang-tuwa na wika ng munting halaman.

At mula nga noon ay naging malapit at masayang magkaibigan sina Uod at Alembong. Palagi silang nagkukuwentuhan at nangangarap ng maraming bagay.

Lumipas ang mga araw, dumating ang isang mahalagang pagdiriwang sa kaharian ng mga kulisap at insekto; ito ay ang kaarawan ni Bathala.

“Uod, dali! Magtungo ka sa batis kung saan gagawin ang pagdiriwang. Sumali ka sa paligsahan dahil narinig ko sa madaldal na si Rosas na ang gantimpala raw ay isang kahilingan kay Bathala.”, ang hikayat ni Alembong sa kaibigan!

“Hindi ako pwede roon. Pagtatawanan lamang ako ng lahat!”, ang matamlay na wika ni Uod.

“Ang ibang kulisap, oo! Pero si Bathala ay hindi dahil pantay-pantay ang tingin niya sa lahat. Kaya’t dali, sumali ka na! Malay mo manalo ka, e di puwede mo nang hilingin na bigyan ka ng pakpak at nang hindi ka na mamaliitin ng iba pang mga insekto.”, muling hikayat ni Alembong.

“Kuwentuhan mo tuloy ako ha!”, patuloy pa nito.


“Bahagyang natigilan si Uod. Nag isip ito, sabay wika…”Sige para sa iyo ay sasali ako! Para tuloy ay maikuwento ko sayo ang mga magaganap sa pagdiriwang.”