Maikling Kwento Ang Uusod usod na si Uod Part 1



Ang Uusod-usod na si Uod - Maikling Kwento 


maikling kwento tungkol sa kaibigan
halimbawa ng maikling kwento
maikling kwento na may aral
maikling kwento tagalog
maikling kwento pambata
maikling kwento tungkol sa kalikasan
maikling kwento ng pag-ibig
maikling kwento ng katatawanan

Sa kaharian ng mga kulisap at insekto ay may isang nilalang na kinukutya ng lahat; siya ay si Uod.

Si Uod at ang kanyang mga kalahi ay hindi pinapansin ng iba pang insekto at kulisap, sapagkat mababang uri ang tingin sa kanila dahil sila ay bukod-tanging hindi nagkakaroon ng pakpak.

Minsan ay nagkita-kita sina Tutubi, Bubuyog, Tipaklong at Putakte., nagpapaligsahan sa paglipad.

Minsan, naglalaro ang mga kulisap.

“Naku! Huwag tayo rito sa lupa, lumipad tayo dun sa ibabaw ng dahon at mga bulaklak!”, ang salita ni Tutubi.

Oo nga! Bzzz! Marumi rito, at lugar ito ng mababang uri ng insekto.” Ang wika naman ni Bubuyog sabay irap sa nakatingin na si Uod.

At sabay-sabay na lumipad patungo sa halamanan ang mga may pakpak na kulisap. Naiwan na umiiyak si Uod. Awang-awang ito sa kanyang sarili.

“Hoy! Uod! Huwag ka nang umiyak! Tumahan ka na! Lalo ka lang nilang aapihin kung makikita ka nilang umiiyak!”, ang sabi ng tinig. Natigilan si Uod, at tumingin sa paligid.

“Sino ka?’, ang tanong nito.

“Hoy! Nandito ako!”, tinig buhat sa likuran ni Uod na agad niyang nilingon.

“Kumusta ka! Pwede bang makipagkaibigan?’, ang sabi kay Uod ng kaharap.

“Sino ka? Bakit ngayon lang kita nakita?

Saan ka nanggaling?’,sunud-sunod na tanong ni Uod sa kaharap na isa palang munting halaman.

“Hoy! Nagpapatawa ka ba? Sabagay, talaga namang walang nakakakilala sa akin.”, ang wika ng halaman.

“Ako si Alembong. O ano, gusto mo bang makipagkaibigan?”, ang tanong pa nito.

“Hindi ka ba mahihiyang maging kaibigan ang isang tulad ko? Ako ay isang pinakamababang uri ng nilalang!”, ang matamlay na wika ni Uod, sabay tungo ng ulo nito.

“Hay, naku! Ayan ka na naman! Nalulungkot ka na naman. Bakit di mo ako gayahin, laging masaya.”, ang pag-alo ni Alembong kay Uod na nagwika…

“Iba ka naman sa akin eh!