Ang Uusod-usod na si Uod Part 5 - Maikling kwento pambata,



 Ang Uusod-usod na si Uod Part 5 - maikling kwento tungkol sa kalikasan

“Isa kang mabuting nilalang, Uod. Batid kong may nais kang hilingin para sa iyong sarili, ngunit mas inuna mo pa ang para sa iyong kaibigan.”, ang wika nito.

“Matutupad ang kahilingan mo.” At pagkawika niyon ay naglaho na si Bathala.

At kasabay niyon, bigla na lamang naging napakakulay ng paligid. Nagkaroon ng iba’t-ibang kulay na bulaklak ang dating maliliit at payat na mga halaman na nakatanim pala sa buong paligid.

Anong tuwa ni Uod. Hindi lamang si Alembong, pati na ang mga kasamahan nito ay binigyan ng ibat-ibang kulay at maririkit na bulaklak ni Bathala. Agad pinuntahan ni Uod si Alembong.

“Uod Tingnan mo! Bigla na lamang akong nagkaroon ng mga bulaklak, at iba’t -ibang kulay pa!”, ang tuwang-tuwa na wika ni Alembong.

Ganun na lang ang pasasalamat ni Alembong kay Uod nang malaman nitong nanalo ang kaibigan, at ang hiniling na gantimpala ay bigyan siya ng bulaklak.

“Ngunit paano ka? Bakit hindi mo hiniling ang para sa iyong sarili? Di ba gusto mong magkapakpak?”, ang tanong ni Alembong.

  
“Di bale na! Maligaya na rin ako dahil nagkaroon ka ng mga bulaklak, pati na ang iyong mga kasamahan. At isa pa, isa kang mabuting kaibigan kung kaya’t nais kitang maging maligaya.”, ang wika ni Uod.

Bigla, natigilan si Alembong. Nakita niyang unti-unting nabalot si Uod ng kung anong bagay, hanggang tuluyan na itong hindi niya makita. Naiyak si Alembong.

“Uod anong nangyari sa iyo kaibigan ko?”


Binantayan ni Alembong ang nakabalot na si Uod. Hanggang isang araw, anong gulat ng halaman nang bigla na lamang ay unti-unting lumalabas si Uod mula sa pagkakabalot nito,.